NET LAG- the glazed look when you have been online for too long.
PRAIRIE DOGGING- When something happens in a call centre with cubicles, where people's heads pop up over the walls to see what's going on.
OPEN-COLLAR WORKERS- People who work at home or telecommute.
ADMINISPHERE- The rarefied organisation layers beginning just above the rank of call centre manager. Decisions that fall from the adminisphere are often profoundly inappropriate or irrelevant to the problems they were designed to solve.
STRESS PUPPY- A person who thrives on being stressed-out and whiny.
KEYBOARD PLAGUE- The disgusting buildup of dirt and crud found on a computer keyboard.
IDEA HAMSTERS- People who always seem to have their idea generators running.
MOUSE POTATO- The on-line generation's answer to the couch potato.
BLAMESTORMING- Sitting around in a group discussing why a deadline was missed or a project failed and who was responsible.
UNDER MOUSE ARREST- Getting busted for violating the company’s web browsing rule of conduct.
IT'S A FEATURE- From the adage "It's not a bug, it's a feature." Used sarcastically to describe an unpleasant experience that you wish to gloss over.
ALPHA GEEK- The most knowledgeable, technically proficient person in an office or work group. "Ask Tim, he's the alpha geek around here."
SALMON DAY- The experience of spending an entire day swimming upstream only to get screwed in the end.
CHAINSAW CONSULTANT- An outside expert brought in to reduce the employee headcount, leaving the top brass with clean hands.
404- Someone who is clueless, from the World Wide Web error message "404 Not Found", meaning the requested document couldn't be located.
Wednesday, September 30, 2009
Saturday, September 26, 2009
da amazing journey of a soaking wet call center agent
kanina papasok ako sa work, isang napaka-laking adventure ang naranasan ko. hindi ko inisip na nakaka-pissed off sa totoong buhay yung nangyari dahil nag-enjoy talaga ako ng husto. i already expected the fact na may traffic because of the heavy rains pero ang naranasan ko ay more than what i was thinking before i left the house.
"ACERO, ACERO!" sigaw nung barker sa kanto na sakayan ng jeep.
"manong, bakit hanggang acero lang kayo?" "baha sa Alabang Hills eh, hindi na kaya ng makina. wala ka nang masasakyan na Metro, walang makakalusot na jeep sa baha, hanggang bewang na eh."
SHIT. as in PAKSHET talaga. hindi ko to masyadong inasahan. oo inasahan ko nang may baha. pero hindi yung hanggang BEWANG na baha. wala na akong choice. sumakay na ko. front ride.
maayos ang takbo ng jeep sa unang 3 minuto. maya-maya, nagslow-down. tumingin ako sa harap, yung mga kotse, imiikot na pabalik. isa-isa. dahan-dahan.
"oooppss.. hanggnang dito nalang po tayo, hindi na po kaya ng jeep tumawid sa baha."
SHIT. as in PAKSHET talaga. 1/4 pa lang ng kailangan kong puntahan yung inabot ng jeep. ibig sabihin, 3/4 pa yung kailangan kong lakarin. or in this case, LANGUYIN.
bumaba ako. tama si manong, wala kaming choice. kailangan lumusong. tinupi ko ang pantalon ko pero dahil skinny, hanggang kalahati lang ng binti ko ito naitupi. walang kwenta. tumawid ako sa kabilang side ng two way na kalye. ang SLEX ay may apat na kalye, tig-two way. nahahati ito ng mga alambreng bakal at semento. lakad ako. lakad. nung una, hanggang sakong ko lang ang baha. habang lumalaon, tumataas ito at unti-unting umaabot sa tuhod ko. basa na ang skinny jeans ko. maya-maya, tumaas pa ito hanggang kalahati ng hita ko. nung una, okay lang sa akin. nang may 10mins na akong naglalakad at lumulusong sa baha, medyo minumura ko na ang employer ko sa aking isipan at ang puso at utak ko ay humihiyaw na ng "AYOKO NANG PUMASOK!!" pero lakad pa rin ako ng lakad. lusong pa rin ako ng lusong. bawat sasakyang dumadaan pabalik sa aking pinang-galingan ay nagdadala ng malaking alon ng nakakadiring baha at ang mga gulong nito ay nagpapatalsik sa tubig. bawat malaking sasakyan na nakikita ko ay talagang nagpapatili sa akin ng malakas dahil sa takot kong maligo ako ng husto ng tubig baha. nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang may mga taong naghintuan. muntik ko nang maluwagan ang pagkakasipit ng mga daliri ko sa tsinelas ko dahil sa pagtataka. yun pala, may mga tambay na nagaangat ng bakal na alambre na pangdivide ng expressway para makadaan ka at makatawid ka sa kabilang two-way na kalye. "LIMANG PISO LANG!" makakatawid ka na sa kabila. naghanap ako ng limang pisong barya sa lalagyan ko ng ID at hinanda ko ang sarili ko sa paglusot sa ilalim na alambreng bakal. success. nakatawid ako sa kabilang kalye. nangangalahati na ako sa journey ko. hindi na ako pwedeng bumalik. ayoko nang lumusong ulit sa baha. nakisabay ako sa mga taong nag-J Walking. habang naglalakad ako, siyang buhos ng ulan at kapag natatanggal ang hood ng jacket ko sa ulo ko, nararamdaman ko kung gano ito ka-lakas dahil masakit na ito sa mukha. may dalawang kalye pa ang pagitan sa akin ng kabilang pampamg, este kabilang gutter. medyo mababa na ang baha dito, hanggang binti nalang. nagtawiran ulit ang mga tao sa pangatlong kalye pero naging madali na ito dahil walang harang na almbreng bakal. nagtatakbuhan sila patawid. bakit kamo? napatingin ako sa likod ko. naglalakihang mga truck at bus pala ang dumadaan sa bahaging iyon ng SLEX. pakshet. napatakbo na rin ako papunta sa pangatlong kalye. isang kalye nalang bago ang kabilang gutter. kung hindi bumabagyo at nagbabaha, malamng nahuli na kami ng pulis dahil sobrang BAWAL TO DA MAXIMUM LEVEL ang ginagawa namin. walang ganito sa NLEX. "MAY KURYENTE DYAN" sigaw nung mama sa likod ko. itinutiro yung lugar kung saan may itinatayong future skyway o MRT yata yun. timang din pala tong mama na to eh. baha na nga eh. kung may kuryente dito, eh di sana kanina pa kami nangisay. nagtawiran ulit ang mga tao papunta sa pangapat at huling kalye. lumusot sa almbreng bakal. pero this time, libre na. wala na ang mga tambay na mga manong. nagkusa na ang mga pedestrian na mag-angat ng alambre dahil nga delikado talaga mag-stay sa kalyeng kinaroroonan namin ng mga oras na yon.
GUTTER. ang sarap ng feeling. buhay ako. nung una, buo na talaga ang decision kong wag pumasok. pero nakita ko sa relo ko na may isang oras pa ako na pwedeng magamit sa paglakad. wala na talagang available na jeep, punuan. naglakad ako. at habang naglalakad ako, ang nasa isip ko, enjoy rin pala ang ganito. first time kong lumusong sa baha ng nakapantalon. basang basa na ang katawan ko. tumagos na sa loob ng jacket ko ang ulan at pati ang damit na dala ko na pamalit ko sana, basa na rin. sa wakas, narating ko ang dulo. ang kailangan ko nalang ay tumawid para makarating ako sa kalyeng papunta sa office ko. mahigit isa't kalahati rin akong naglakad. medyo nakikita ko na ang building namin. malapit na ako. sana wag akong mag-collapse. pagdating ko sa mismong building, nakatingin sa akin lahat ng tao. binigyan ko sila ng tingin-hoodlum. yung bang tipong nagsasabing "wala kayong alam sa pinagdaanan ko." derecho ako sa basement at kinuha ko ang mga gamit ko. pagdating ko sa 2nd floor kung saan ang station ko, isa palang sa team mates ko ang nakita ko. wala pa ang lahat. pag-log in ko sa attendance tracker namin, pumunta agad ako sa cr para magpatuyo na sarili sa ilalim ng hand dryer. hay.. grabe tong experience na to. buti nalang, maya-maya, nagdatingan na ang mga officemates ko at natutuwa ako at proud akong sabihin na sa buong department namin, ang team lang namin ang kumpleto. dumating ang isa sa mga team leader para palipatin kami sa fourth floor dahil kaunti lang pala ang pumasok at kailangan naming i-utilize ang mga pc's dun. may libreng lunch at drinks ang mga nag-effort na pumasok.
nilalamig na ako. nangingitim na ang mga labi ko. so far ako lang ang soaking wet. buti nalang, hahaha.. anjan na si boss.. may libreng t-shirt ako.. at sinamahan niya pa ako sa clinic para magtake ng Vit C at Biogesic.. hehe.. astig..
SHIT. as in PAKSHET talaga.
makapasok lang sa work.
i swam in da flood.
i crossed the deepest sea.
i climed the highest mountain.
even if it is jay walking, i jayed.

Thursday, September 24, 2009
CALL-less WAITING!!
masakit na ang tenga ko sa sikip ng headset ko, wala pa ring calls na dumarating.. yung mga team mates ko, ginagaya na yung spill ng kabilang department na madalas naming marinig na sinasabi nung babaeng mataba na kala mo kagandahan pero feelingera lang naman. yun yung "NO CALLS WAITING!!" hellouer, ano naman ngayon kung no calls waiting? kailangan ba talagang isigaw o talagang feelingera lang siya? haaiiss... gumana ang kadak-dakan ko.. para lang masaya at may something na pagtatawanan.. sumigaw ako ng ubod lakas ng--
"CALL-less WAITING!!"
napatingin si babaeng majuba na feelingera. tinignan ko rin siya. for the meantime, on the spot, nagig siga ako. baket juba, may problema ka? isang ulit pa,
"CALL-less WAITINGGGGGGGGGG!!!"
sakto, pagsigaw ko, nag-hello si Mr. Customer sa kabilang linya. pagkarinig sa boses ko, isang matindi at nakahuhumindik na HUNG UP ang natamo ko sa kanya.

Wednesday, September 23, 2009
BaLiW lAnG aNg MaGbAbAsA nItO
hindi ito tula.
hindi ako makata.
sayaw lang ang alam kong gawin.
sa saliw ng isang malanding tugtugin.
kahit ang aking mga paa.
ay parehong kaliwa.
masarap sumayaw.
pag walang nakakakita.
kumendeng tayo.
kemendeng kayo.
naririnig niyo ba.
ang tugtugin ko?
alam kong mali.
ang pagkakapwesto.
ng mga tuldok.
sa pahinang ito.
kasing mali ng sayaw.
na pinakikita ko.
sa harap ng salamin.
sa sarili kong mundo.
halina at samahan mo ako.
sa pagkendeng at pagindayog.
kalimutan natin ang mundo.
ang buhay ay parang gin bilog.
pasensya na.
wala akong maisip na salita.
na aangkop sa aking kanta.
kaya ganyan ang nilagay ko kanina.
nagtataka ka ba?
sabi na ngang hindi ito tula.
dahil hindi naman ako makata.
kaya tawag ko dito ay kanta.
tangna naman kasi.
sa kakatrabaho sa gabi.
pati salita ng aking lahi.
hindi ko na maitama at masabi.
kol senter.
kol senter.
putang ina.
kol senter.
hindi ako makata.
sayaw lang ang alam kong gawin.
sa saliw ng isang malanding tugtugin.
kahit ang aking mga paa.
ay parehong kaliwa.
masarap sumayaw.
pag walang nakakakita.
kumendeng tayo.
kemendeng kayo.
naririnig niyo ba.
ang tugtugin ko?
alam kong mali.
ang pagkakapwesto.
ng mga tuldok.
sa pahinang ito.
kasing mali ng sayaw.
na pinakikita ko.
sa harap ng salamin.
sa sarili kong mundo.
halina at samahan mo ako.
sa pagkendeng at pagindayog.
kalimutan natin ang mundo.
ang buhay ay parang gin bilog.
pasensya na.
wala akong maisip na salita.
na aangkop sa aking kanta.
kaya ganyan ang nilagay ko kanina.
nagtataka ka ba?
sabi na ngang hindi ito tula.
dahil hindi naman ako makata.
kaya tawag ko dito ay kanta.
tangna naman kasi.
sa kakatrabaho sa gabi.
pati salita ng aking lahi.
hindi ko na maitama at masabi.
kol senter.
kol senter.
putang ina.
kol senter.
ayoko na..
kasi nga masakit na ang tenga ko..
kasi nga masakit na ang ulo ko..
kasi nga masakit na ang daliri ko..
sa kakapakinig ng sigaw ng mga kustomers..
sa gabi-gabing pagpupuyat sa harap ng pc..
sa pagta-type sa keyboard word by word ng sinasabi ng kausap ko..
hay..
call center..
ENGLISH ONLY POLICY
HELLO MR. JOHN?!?!
gabi na naman.. inaantok pa ko.. tangna naman kasi. kung bakit ba hindi ako nakapag-tapos ng college. ito lang tuloy ang trabahong kaya ko. madugo. paulit-ulit yung mga sinasabi ko. walang progress. walang growth. gusto ko nang mag-resign pero ano bang magagawa ko? hindi sa lahat ng trabaho, pwedeng ma-regular ang isang katulad ko. basura ang knowledge na mapupulot mo. basura ang mga katrabaho mo. basura pati ang team leader mo.
kung maibabalik lang ang panahon, siguro nasa isang magandang company ako. merong titulo o kaya tinatawag akong "boss."
yung id ko? wait ha..
okay, eto na. hay buhay. lalakad palabas ng eskinita. ang masikip naming kalye na kinikilalang playground ng anak kong dalawang taon na may utak na pang sampung taon na bata.
sasakay ng jeep, "manong Northgate lang po!"--"PARAAAAAAAAA!" ay si manong, binge.
naglalakad palang ako papunta sa mismong building namin, feeling ko, papunta ako sa kastilyo ng mga umuusok na baga. ang nilalakaran ko ay carpet ng mga upos ng pinagsawaang yosi. lung center ang tapat ng building namin. talo ang RMI sa dami ng pasyente. kung pwede lang magmura ang semento, sasabihin nito, "put*ng i** nyo! hindi ako ashtray!"
pagbaba ko sa basement kung nasaan ang locker room, kinuha ko na agad ang headset ko, call model at lalagyan ng kape. ang bestfriend kong baso. kakampi ko sa mga oras na ginugupo ako ng kaantukan at kailangan kong kalabanin ang puyat. kakampi ko kapag gusto ko nang murahin yung mga customer na hindi na nga marunong magbayad ng utang sa bangko, ang tatamis pa ng mga dila na magsabing "FUCK OFF!" hindi nila alam na 101% ng populasyon ng call center agents ang gustong magsabi rin sa kanila ng ganun.
kape. kape. kape. libre ang kape dito. naguumapaw ang juice at iced tea sa pantry. ang coke, walang patong na tax kaya yung 25pesos na in-can sa iba, 18pesos lang sa office. malulunod ka sa dami ng pampa-diabetes at pampa-UTI na mga chips sa vendo. ang mga tao dito, umuusok ang tenga sa pagka-adik sa yosi. kakampi nila laban sa stress ang number one na dahilan ng stress- Malboro lights.
ding! 1:30am. oras na para kumain. pampataba ang pagkain ng alanganin sa madaling araw. bukod sa natutulog ang digestive system natin, wala ka ring makakaing masustansya sa canteen. mga ulam na pinaglipasan na ng tingin at takam. mga ulam na bugbog na sa halo, halukay at painit. paglabas ng building, kasunod ko ang officemates ko. hihingi ng yosi sa kanila at,
"pasindi nga.."
tumaktakbo ang oras. ang tagal ng uwian. alas kwatro ng madaling araw dito. pero ang bati mo sa mga kausap mo "Good Morning."
pagdating ng alas-singko ng madaling araw, nag-uwian na ang officemates mo, pero ayaw ka pa rin pakawalan ng kausap mong galit na galit dahil alas nwebe na ng gabi sa kanila eh tawag ka pa rin ng tawag. hindi nila naiintindihan na ginagawa mo lang ang trabaho mo dahil kailangan mong magbayad ng renta at bumili ng gatas para sa anak mo. hindi nila alam na yung oras na matutulog pa lang sila ay yung oras na uuwi ka pa lang sa bahay niyo galing sa trabaho. hindi nila alam na dahil sa kailangan mo silang tawagan para magbayad sa utang nila sa bangko, eh nakakalimutan mo na pati night life mo.
inabutan na ko ng susunod na shift pero kausap ko pa rin yung customer ko. kailangan na gumawa ng paraan, di bale nang ma-complain, nami-miss ko na ang higaan. "he-hello? hello? sir i am sorry, i can't hear you.. the line is breaking up.. hello?"
tut-tut-tut.. ayos, konting drama lang yan.. hindi na halata na binabaan mo na siya ng telepono.
tulad kanina, dating gawi. bababa ulit ako sa basement. ibabalik sa locker ang headset ko, baso at call model. papara ng sasakyan. "manong Sucat lang po!"--"PARAAAAAAAAAA!!!" hindi na ako makikipagtalo, alam kong puyat din si manong.
pagdating sa bahay, magbibihis lang ng pangtulog. kung pwede lang wag na hubarin ang pantalon, pero hindi pwede, isusuot ko pa to bukas, este, mamayang gabi. nami-miss ko na ang unan at kumot ko. ang anak ko, gigising pa lang, samantalang ako, oras pa lang ng tulog ko. natatakot ako kasi baka pag laki niya at ganito pa rin ang work ko, baka isipin niyang mali ang oras ng tulog niya.
matutulog na ko, wala nang kain-kain. hindi uso ang almusal sakin. mamaya, gigising ako para kumain ng lunch tapos matutulog ulit. pag-gising ko ng hapon, maliligo, kakain ng super early to the max na dinner, magbibihis tapos papasok na naman ako. sasakay ng jeep..
"manong Northgate lang po!"--"PARAAAA!!!" si manong binge.. blah blah blah..
paulit ulit. walang progress. walang growth. buti pa ang pulubi nakakaipon sa madumi niyang baso. buti pa siya, may thrill ang life kapag nakikipag unahan sa kapwa pulubi sa paghabol sa mga kotseng magara. buti pa sila may night life at nagagawa pang makipag-jamming at pot session. buti pa sila.
tang inang CALL CENTER yan.

Subscribe to:
Posts (Atom)