Saturday, September 26, 2009

da amazing journey of a soaking wet call center agent

kanina papasok ako sa work, isang napaka-laking adventure ang naranasan ko. hindi ko inisip na nakaka-pissed off sa totoong buhay yung nangyari dahil nag-enjoy talaga ako ng husto. i already expected the fact na may traffic because of the heavy rains pero ang naranasan ko ay more than what i was thinking before i left the house.
"ACERO, ACERO!" sigaw nung barker sa kanto na sakayan ng jeep.
"manong, bakit hanggang acero lang kayo?" "baha sa Alabang Hills eh, hindi na kaya ng makina. wala ka nang masasakyan na Metro, walang makakalusot na jeep sa baha, hanggang bewang na eh."


SHIT. as in PAKSHET talaga. hindi ko to masyadong inasahan. oo inasahan ko nang may baha. pero hindi yung hanggang BEWANG na baha. wala na akong choice. sumakay na ko. front ride.
maayos ang takbo ng jeep sa unang 3 minuto. maya-maya, nagslow-down. tumingin ako sa harap, yung mga kotse, imiikot na pabalik. isa-isa. dahan-dahan.
"oooppss.. hanggnang dito nalang po tayo, hindi na po kaya ng jeep tumawid sa baha."


SHIT. as in PAKSHET talaga. 1/4 pa lang ng kailangan kong puntahan yung inabot ng jeep. ibig sabihin, 3/4 pa yung kailangan kong lakarin. or in this case, LANGUYIN.
bumaba ako. tama si manong, wala kaming choice. kailangan lumusong. tinupi ko ang pantalon ko pero dahil skinny, hanggang kalahati lang ng binti ko ito naitupi. walang kwenta. tumawid ako sa kabilang side ng two way na kalye. ang SLEX ay may apat na kalye, tig-two way. nahahati ito ng mga alambreng bakal at semento. lakad ako. lakad. nung una, hanggang sakong ko lang ang baha. habang lumalaon, tumataas ito at unti-unting umaabot sa tuhod ko. basa na ang skinny jeans ko. maya-maya, tumaas pa ito hanggang kalahati ng hita ko. nung una, okay lang sa akin. nang may 10mins na akong naglalakad at lumulusong sa baha, medyo minumura ko na ang employer ko sa aking isipan at ang puso at utak ko ay humihiyaw na ng "AYOKO NANG PUMASOK!!" pero lakad pa rin ako ng lakad. lusong pa rin ako ng lusong. bawat sasakyang dumadaan pabalik sa aking pinang-galingan ay nagdadala ng malaking alon ng nakakadiring baha at ang mga gulong nito ay nagpapatalsik sa tubig. bawat malaking sasakyan na nakikita ko ay talagang nagpapatili sa akin ng malakas dahil sa takot kong maligo ako ng husto ng tubig baha. nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang may mga taong naghintuan. muntik ko nang maluwagan ang pagkakasipit ng mga daliri ko sa tsinelas ko dahil sa pagtataka. yun pala, may mga tambay na nagaangat ng bakal na alambre na pangdivide ng expressway para makadaan ka at makatawid ka sa kabilang two-way na kalye. "LIMANG PISO LANG!" makakatawid ka na sa kabila. naghanap ako ng limang pisong barya sa lalagyan ko ng ID at hinanda ko ang sarili ko sa paglusot sa ilalim na alambreng bakal. success. nakatawid ako sa kabilang kalye. nangangalahati na ako sa journey ko. hindi na ako pwedeng bumalik. ayoko nang lumusong ulit sa baha. nakisabay ako sa mga taong nag-J Walking. habang naglalakad ako, siyang buhos ng ulan at kapag natatanggal ang hood ng jacket ko sa ulo ko, nararamdaman ko kung gano ito ka-lakas dahil masakit na ito sa mukha. may dalawang kalye pa ang pagitan sa akin ng kabilang pampamg, este kabilang gutter. medyo mababa na ang baha dito, hanggang binti nalang. nagtawiran ulit ang mga tao sa pangatlong kalye pero naging madali na ito dahil walang harang na almbreng bakal. nagtatakbuhan sila patawid. bakit kamo? napatingin ako sa likod ko. naglalakihang mga truck at bus pala ang dumadaan sa bahaging iyon ng SLEX. pakshet. napatakbo na rin ako papunta sa pangatlong kalye. isang kalye nalang bago ang kabilang gutter. kung hindi bumabagyo at nagbabaha, malamng nahuli na kami ng pulis dahil sobrang BAWAL TO DA MAXIMUM LEVEL ang ginagawa namin. walang ganito sa NLEX. "MAY KURYENTE DYAN" sigaw nung mama sa likod ko. itinutiro yung lugar kung saan may itinatayong future skyway o MRT yata yun. timang din pala tong mama na to eh. baha na nga eh. kung may kuryente dito, eh di sana kanina pa kami nangisay. nagtawiran ulit ang mga tao papunta sa pangapat at huling kalye. lumusot sa almbreng bakal. pero this time, libre na. wala na ang mga tambay na mga manong. nagkusa na ang mga pedestrian na mag-angat ng alambre dahil nga delikado talaga mag-stay sa kalyeng kinaroroonan namin ng mga oras na yon.


GUTTER. ang sarap ng feeling. buhay ako. nung una, buo na talaga ang decision kong wag pumasok. pero nakita ko sa relo ko na may isang oras pa ako na pwedeng magamit sa paglakad. wala na talagang available na jeep, punuan. naglakad ako. at habang naglalakad ako, ang nasa isip ko, enjoy rin pala ang ganito. first time kong lumusong sa baha ng nakapantalon. basang basa na ang katawan ko. tumagos na sa loob ng jacket ko ang ulan at pati ang damit na dala ko na pamalit ko sana, basa na rin. sa wakas, narating ko ang dulo. ang kailangan ko nalang ay tumawid para makarating ako sa kalyeng papunta sa office ko. mahigit isa't kalahati rin akong naglakad. medyo nakikita ko na ang building namin. malapit na ako. sana wag akong mag-collapse. pagdating ko sa mismong building, nakatingin sa akin lahat ng tao. binigyan ko sila ng tingin-hoodlum. yung bang tipong nagsasabing "wala kayong alam sa pinagdaanan ko." derecho ako sa basement at kinuha ko ang mga gamit ko. pagdating ko sa 2nd floor kung saan ang station ko, isa palang sa team mates ko ang nakita ko. wala pa ang lahat. pag-log in ko sa attendance tracker namin, pumunta agad ako sa cr para magpatuyo na sarili sa ilalim ng hand dryer. hay.. grabe tong experience na to. buti nalang, maya-maya, nagdatingan na ang mga officemates ko at natutuwa ako at proud akong sabihin na sa buong department namin, ang team lang namin ang kumpleto. dumating ang isa sa mga team leader para palipatin kami sa fourth floor dahil kaunti lang pala ang pumasok at kailangan naming i-utilize ang mga pc's dun. may libreng lunch at drinks ang mga nag-effort na pumasok.
nilalamig na ako. nangingitim na ang mga labi ko. so far ako lang ang soaking wet. buti nalang, hahaha.. anjan na si boss.. may libreng t-shirt ako.. at sinamahan niya pa ako sa clinic para magtake ng Vit C at Biogesic.. hehe.. astig..


SHIT. as in PAKSHET talaga.
makapasok lang sa work.
i swam in da flood.
i crossed the deepest sea.
i climed the highest mountain.
even if it is jay walking, i jayed.
SHIT. as in PAKSHET talaga.