Tuesday, September 22, 2009

wallet..

madilim ang paligid.. antok na ko, tangna.. magdamag na trabaho.. hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa call center pero dito pa rin ako nagtatrabaho.. paglabas ko ng building, derecho sa sakayan ng jeep. alas kwatro ng madaling araw. wala nang oras para gumumik. itutulog ko nalang itong pagka-uhaw sa alak.
ewan ko kung bakit, pero maliit pa lang ako, nakayuko na ako kung mag-lakad. ang sabi ng mga matanda, ganun daw ang mga taong mapagpa-kumbaba. pero hindi ako naniniwala. ang taas ng pride ko eh, mataas pa sakin. nakakita ako ng jeep, ewan ko kung pano ko yun nakita habang naka-yuko, pero nakita ko talaga yung jeep. Sucat. sakto, makakauwi na ko. habang sinasalubong ko yung jeep, nakayuko pa rin ako. at habang naglalakad, napako ang tingin ko sa isang maliit na wallet. actually hindi siya wallet. more like a cellphone pouch na may zipper. hindi ko gawain ang mamulot ng mga bagay-bagay pero may instinct ako na may mapapala ako kapag pinulot ko yung wallet/pouch na yun. pagsayad pa ang ng wallet sa kamay ko, binuksan ko na agad. ang laman?


gamot, vitamins, health card, atm, at..


5,000 pesosesoses na tig pa-five hundred.


hindi ako sakim na tao. hindi ako mukhang pera. hindi ako masamang tao. pero hindi ko na binalik yung pera sa may-ari kahit na marunong akong mag-basa at alam ko kung san nagwo-work yung may-ari nung pouch na yun. ang nasa isip ko, "tamang tama, kakatapos lang ng sahod pero 1k nalang ang pera ko.hulog ng langit, este nahulog sa bulsa."
kung tutuusin, maliit na halaga yun para maging sakim ako. pero naisip kong, hindi naman yun mahuhulog at hindi naman yun mapapasakamay ko kung hindi yun para sakin. harharhar.
5,000 pesos. asan na nga ba ang pera na to ngayon? wala na. nai-tae ko na. ni hindi manlang gumulong, ni hindi ko manlang masabi na yung perang kinamkam ko, eh napalago ko. hhhmmnn.. limang libo.


tsk.. tsk.. tsk..

YOUR'E SUCH A LOSER!!

mahirap maging bobo, kasi nga hindi naman lahat ng tao magtyatyaga magturo sayo. buti pa ang tanga, alam mong wala nang pag-asa. pero pag bobo ka, parang lahat ng mali, nakikita sayo. pag sa inyong sampung magkakapatid, ikaw lang ang walang medal, kulang nalang, itakwil ka ng nanay mo. buti nalang, kampi sayo si tatay. lahat kasi ng siyam mong mga kapatid, kamukha ng kumpare niya at ikaw lang ang nahahawig sa kanya. habang lumalaki ka, sinasampal sayo ng mga taong nakakasalamuha mo na bobo ka at wala ring gustong magtiwala sayo kasi alam nilang hindi mo kayang gawin yung mga bagay na nagagawa lang ng matatalino. pinagkakaisahan ka ng mga tao kasi nga bobo ka. ginagawa kang utusan. ang tingin sayo janitor. sa high school ikaw ang nerd, campus laughing stock, ikaw ang taga-dala ng bag ni Boy Bully, math theacher's enemy number one at hindi ka rin kilala ng Physics teacher niyo. ni hindi ka pamilyar kay Maria Clara at Ibarra at hindi mo rin kasundo kahit yung GMRC teacher niyo. ikaw yung tipong naiiwan sa harap ng blackboard kapag pintayo kayo ng teacher niyo para sumagot ng problem solving sa Algebra. pano na kung pati salitang BONUS hindi mo kayang i-spell? naalala ko nung high school teacher namin sa Geometry, sa mga exams niya, mas marami pa yung bonus kesa dun sa mga kailangan namin sagutan. kahit na nga sa mga periodical exams, eto lang ang lagi niyang sinasabi, "numbers 1-15, write bonus. wrong spelling wrong."
ang bobo, high school pa lang, mukha nang walang kinabukasan. pano pa pag-graduate mo? forever ka nalang bang loser? siguro 10yrs from now, nagtatrabaho ka na sa isang malaking company. mga bigating mga tao ang nakakasalamuha mo.
ikaw ang taga-timpla ng kape nila at green ang uniform mo. may hawak ka ring mop pang linis ng kape kapag binato nila sayo yung tasa. kahit sa pag-timpla nalang ng kape, loser ka pa rin. pagdating ng reunion, yung mga classmates mo mga naka-limousine at ferrari. ang pinaka hindi masyadong nagtagumpay sa kanila, sa call center nagtatrabaho. eh ikaw? janitor.
dakilang bobo ka, kahit sa pag-ibig. ginago ka na, mahal mo pa rin at kahit na dumudugo na yung labi mo pati internal organs mo sa pananakit niya, mahal mo pa rin. tatanungin ka ng mga anak mo, "what's wrong mama?" at hindi mo alam yung sagot. kasi English.
ganyan ka kabobo. kahit yata si Joseph Estrada, masisindak sa kabobohan mo. kahit si Bob Ong, magre-resign kapag nalaman niya kung gano ka kabobo kasi hindi kayang arukin ng malawak niyang isipan ang pagka-loser mo. walang advantages ang kabobohan. walang maidudulot na maganda at lalong wala ka ring patutunguhan. loser ka habang buhay. kapag namatay ka, mumurahing ataul lang ang maibibigay sayo dahil wala kang ipon para sa magandang kabaong. at dahil nga mumurahin, madaling mawasak. sa sobrang bigat mo (imagine, wala kang utak pero mabigat ka pa rin, bakit kamo? mabigat kasi yung muscles mo sa sobrang bigat ng trabaho sa pagiging janitor), bumigay yung ilalim, nahulog ka, at walang gustong bumuhat sayo para ibalik ka sa ataul kaya ipapatong nalang nila yung kabaong sa katawan mo sabay tabon ng lupa sayo. see?
hanggang kamatayan, loser ka.

ngayon, gusto mo pa rin bang maging bobo?