hindi ito tula.
hindi ako makata.
sayaw lang ang alam kong gawin.
sa saliw ng isang malanding tugtugin.
kahit ang aking mga paa.
ay parehong kaliwa.
masarap sumayaw.
pag walang nakakakita.
kumendeng tayo.
kemendeng kayo.
naririnig niyo ba.
ang tugtugin ko?
alam kong mali.
ang pagkakapwesto.
ng mga tuldok.
sa pahinang ito.
kasing mali ng sayaw.
na pinakikita ko.
sa harap ng salamin.
sa sarili kong mundo.
halina at samahan mo ako.
sa pagkendeng at pagindayog.
kalimutan natin ang mundo.
ang buhay ay parang gin bilog.
pasensya na.
wala akong maisip na salita.
na aangkop sa aking kanta.
kaya ganyan ang nilagay ko kanina.
nagtataka ka ba?
sabi na ngang hindi ito tula.
dahil hindi naman ako makata.
kaya tawag ko dito ay kanta.
tangna naman kasi.
sa kakatrabaho sa gabi.
pati salita ng aking lahi.
hindi ko na maitama at masabi.
kol senter.
kol senter.
putang ina.
kol senter.
Wednesday, September 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment