gabi na naman.. inaantok pa ko.. tangna naman kasi. kung bakit ba hindi ako nakapag-tapos ng college. ito lang tuloy ang trabahong kaya ko. madugo. paulit-ulit yung mga sinasabi ko. walang progress. walang growth. gusto ko nang mag-resign pero ano bang magagawa ko? hindi sa lahat ng trabaho, pwedeng ma-regular ang isang katulad ko. basura ang knowledge na mapupulot mo. basura ang mga katrabaho mo. basura pati ang team leader mo.
kung maibabalik lang ang panahon, siguro nasa isang magandang company ako. merong titulo o kaya tinatawag akong "boss."
yung id ko? wait ha..
okay, eto na. hay buhay. lalakad palabas ng eskinita. ang masikip naming kalye na kinikilalang playground ng anak kong dalawang taon na may utak na pang sampung taon na bata.
sasakay ng jeep, "manong Northgate lang po!"--"PARAAAAAAAAA!" ay si manong, binge.
naglalakad palang ako papunta sa mismong building namin, feeling ko, papunta ako sa kastilyo ng mga umuusok na baga. ang nilalakaran ko ay carpet ng mga upos ng pinagsawaang yosi. lung center ang tapat ng building namin. talo ang RMI sa dami ng pasyente. kung pwede lang magmura ang semento, sasabihin nito, "put*ng i** nyo! hindi ako ashtray!"
pagbaba ko sa basement kung nasaan ang locker room, kinuha ko na agad ang headset ko, call model at lalagyan ng kape. ang bestfriend kong baso. kakampi ko sa mga oras na ginugupo ako ng kaantukan at kailangan kong kalabanin ang puyat. kakampi ko kapag gusto ko nang murahin yung mga customer na hindi na nga marunong magbayad ng utang sa bangko, ang tatamis pa ng mga dila na magsabing "FUCK OFF!" hindi nila alam na 101% ng populasyon ng call center agents ang gustong magsabi rin sa kanila ng ganun.
kape. kape. kape. libre ang kape dito. naguumapaw ang juice at iced tea sa pantry. ang coke, walang patong na tax kaya yung 25pesos na in-can sa iba, 18pesos lang sa office. malulunod ka sa dami ng pampa-diabetes at pampa-UTI na mga chips sa vendo. ang mga tao dito, umuusok ang tenga sa pagka-adik sa yosi. kakampi nila laban sa stress ang number one na dahilan ng stress- Malboro lights.
ding! 1:30am. oras na para kumain. pampataba ang pagkain ng alanganin sa madaling araw. bukod sa natutulog ang digestive system natin, wala ka ring makakaing masustansya sa canteen. mga ulam na pinaglipasan na ng tingin at takam. mga ulam na bugbog na sa halo, halukay at painit. paglabas ng building, kasunod ko ang officemates ko. hihingi ng yosi sa kanila at,
"pasindi nga.."
tumaktakbo ang oras. ang tagal ng uwian. alas kwatro ng madaling araw dito. pero ang bati mo sa mga kausap mo "Good Morning."
pagdating ng alas-singko ng madaling araw, nag-uwian na ang officemates mo, pero ayaw ka pa rin pakawalan ng kausap mong galit na galit dahil alas nwebe na ng gabi sa kanila eh tawag ka pa rin ng tawag. hindi nila naiintindihan na ginagawa mo lang ang trabaho mo dahil kailangan mong magbayad ng renta at bumili ng gatas para sa anak mo. hindi nila alam na yung oras na matutulog pa lang sila ay yung oras na uuwi ka pa lang sa bahay niyo galing sa trabaho. hindi nila alam na dahil sa kailangan mo silang tawagan para magbayad sa utang nila sa bangko, eh nakakalimutan mo na pati night life mo.
inabutan na ko ng susunod na shift pero kausap ko pa rin yung customer ko. kailangan na gumawa ng paraan, di bale nang ma-complain, nami-miss ko na ang higaan. "he-hello? hello? sir i am sorry, i can't hear you.. the line is breaking up.. hello?"
tut-tut-tut.. ayos, konting drama lang yan.. hindi na halata na binabaan mo na siya ng telepono.
tulad kanina, dating gawi. bababa ulit ako sa basement. ibabalik sa locker ang headset ko, baso at call model. papara ng sasakyan. "manong Sucat lang po!"--"PARAAAAAAAAAA!!!" hindi na ako makikipagtalo, alam kong puyat din si manong.
pagdating sa bahay, magbibihis lang ng pangtulog. kung pwede lang wag na hubarin ang pantalon, pero hindi pwede, isusuot ko pa to bukas, este, mamayang gabi. nami-miss ko na ang unan at kumot ko. ang anak ko, gigising pa lang, samantalang ako, oras pa lang ng tulog ko. natatakot ako kasi baka pag laki niya at ganito pa rin ang work ko, baka isipin niyang mali ang oras ng tulog niya.
matutulog na ko, wala nang kain-kain. hindi uso ang almusal sakin. mamaya, gigising ako para kumain ng lunch tapos matutulog ulit. pag-gising ko ng hapon, maliligo, kakain ng super early to the max na dinner, magbibihis tapos papasok na naman ako. sasakay ng jeep..
"manong Northgate lang po!"--"PARAAAA!!!" si manong binge.. blah blah blah..
paulit ulit. walang progress. walang growth. buti pa ang pulubi nakakaipon sa madumi niyang baso. buti pa siya, may thrill ang life kapag nakikipag unahan sa kapwa pulubi sa paghabol sa mga kotseng magara. buti pa sila may night life at nagagawa pang makipag-jamming at pot session. buti pa sila.
tang inang CALL CENTER yan.
Wednesday, September 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment